HIndi ako naniniwala sa Chinese Horoscope. Pero sabi daw ngayong Year of the Rat, taon daw ito ng pagbabago. Well, there, I believe there had been so much changes just this January in my life. It was too much that I couldn't react, I don't know what should I do, or think. I know that I should have new plans now, but at the moment, nothing is clear...I am not saying that I am losing hope or anything like that. I don't think I deserve any of this. I am still wondering why there are people who are so evil. I never thought that they do exist in real life! Kala ko sa mga telenovelas lang sila nag-i-exist. Well, mali pala ako. Anyway, magalit man ako sa kanila ay wala ng mangyayari, I lost my job already. I thought that could be the worst thing that could happen to me, at least for the first quarter of this year. Mali pala ako. Nagsisimula pa lang pala ako humarap sa mga panibagong laro ng buhay. Mga nakakamatay na laro.
1. I lost my job. Marami pang mga maling balita about me ang umiikot sa dati kong trabaho. May mga pinanganak siguro talagang magaling magsinungaling. O baka napabayaan ng mga magulang kaya lumaking napakasama. O baka anak yun ng demonyo. I am so sorry for this word, alam ko na kahit gaano pa kawalanghiya ang taong tinutukoy ko dito hindi pa rin ito tama, ang magsabi ng masamang bagay sa kapwa tao mo. Pero hindi ko mapigil sarili ko. Kulang pa nga ito.
2. Chris, after re-unting with us, mukhang hindi siya makakatulong sa amin. Mukhang magdadagdag pa siya ng panibagong mga problema.
3. Ngayon ko lang na-realize talaga na hindi ko na kilala si Jose. Hindi na niya talaga ako tinuturing na kaibigan. Ang bigat sa loob ko na kung kelan nagyayari ang mga ito saka pa siya naging estranghero. Wala na ang mga dati kong kaibigan.
4. Nung last Friday, kasama ko ang eightmiles, lima lang kami. Sina Gracia, Jeff, Comy, Arnel, at ako. Uminom kami. Nagsabi ng mga nararamdaman, o baka ako lang ang nagsabi ng mga nararamdaman ko. Siyempre naging supportive sila. Nag-set na pala sila ng bagong deal na hindi ko nalalaman. Silent mode daw muna kami. Kung hangang kailan, walang makapagsabi. Alam ko na marami akong nasasaktang tao kasi hindi ako makapag-explain. Napapagod na ako. Ayoko ng isang demanding na relasyon. Nahihirapan lang ako. Tama na ang pagkukumpara sa akin at sa ibang tao. Nagsasawa na rin ako. Siguro paikot-ikot nga lang talaga ang takbo ko. Hindi ko iyon ginugusto. Sino ba naman ang tangang tatakbo ng paikot-ikot na walang dahilan?
Kung kelan ko sila mas kailangan saka nila ako iiwan. Selfish siguro ako. Sorry kung hindi ko maibigay ang gusto ninyo. Kala ko naiintindihan na kasi ninyo. Hindi ko puwedeng maramdaman ito, iyon...hindi ako puwede gumawa nito o anuman, eto ang dapat kong gawin...napapagod na ako. Iisa lang ako. Isa lang ako.
5. After nung sa eightmiles, nagpunta ako sa breakfast meeting ng Batch 85, wala daw dun kasi si Aby. Ewan ko kung naglolokohan lang kami at nandun siya. At sang katutak na mga plastic na tao. Actually natutuwa naman ako kasi maraming totoong tao ang nagpunta doon.
6. Si Nicalyn. Ang kapatid kong si Nicalyn. Matagal na niyang idinadaing ang cyst niya sa right breast niya. Nagiging moody na nga siya. Madalas napaka sensitive na niya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Lahat kami sa bahay ay on denial. Ewan ko. Bakit kailngang mag-explain ako? Sige nga bakit? Para may maawa sa akin tapos hindi rin naman pala ko maiintindihan? Ayoko na. Ayoko na talaga.
7. Si Tatay. At si Tatay pa rin. Ewan ko, hindi ko alam kung kelan ko talaga siya mapapatawad.
Bahala na...